Padre Ochoa, Padre Inciong and The Grotto of our Lady of Lourdes in Baao
Fr. Aquilino De la Torre Ochoa was assigned as Coadjutor to Padre
Inciong in Baao for four and a half years and was responsible for giving the
town our own Lady of Lourdes Grotto. How it came to be he recounts in his
“Talambuhay”, an autobiography written in Tagalog verse. He was born in Indan,
now Vinzons, Camarines Norte this is why his tagalog is sprinkled with Bikol
words. When he was ordained priest his first assignment was in Baao and was
here during the waning years of the 1930's. Baao's Lourdes Grotto became the
first of many of his accomplishments.
“ COADJUTOR SA BAAO SI PADRE OCHOA”
Ang kura sa Baao si Padre Florencio Gonzales
Balitang-balita mga coadjutor hindi makatiis
Mahaba na ang isang taon, coadjutor agad na aalis
Hindi magkaunawaan, pagsasama hindi matiis
Sa aking pagdating matapos sa kura ay mag-pugay,
ang kanyang ugali at hilig aking pinag-aralan,
nang mamasdan kong sa ahedres mahilig makilaban,
magkakasundo kami larong ahedres muli at muling naglalaban
Kaya sa tuwi-tuwina matapos ang hapunan
Ang tablero ng Ahedres dinadala sa aming harapan
Tinatalo ko siya, tinatalo din niya ako.
Pagdating sa hatinggabi saka kami naghihiwalay
Isang ping-pong table ang aking ipinagawa
Upang mapaglibangan ng mga kabataan
Nang Makita ni Padre Gonzales, siya ay natuwa
Kaya’t nagpaturo sa akin sa bola ng ping-pong pagpatama
Hindi naman mahirap si Padre Inciong Gonzales turuan
Hindi nagtagal ibig niyang palaging may kalaro
Kahit sa mga kabataan at sa mga kapaparian
Kaya’t liban sa Ahedres, ping-pong kanyang nauyunan
Nabalitaan ko araw ng kanyang kapanganakan
Hinding-hindi pa siya nagdiwang ng kanyang kapanganakan
Sa aming inasalto, kaarawan ng kanyang pag silang
Isang banda ng orkestra kasama ng taong bayan
May mga dalang pagkain, alak, litson at pulutan,
Maikling palatuntunan, talumpati, tula, awit at sayaw
Si Padre Florencio Gonzales, katuwaan nag-uumapaw,
Napilitan siyang mag-tapat na si Padre Ochoa ang may kagagawan
Nang makuha ko ang tiwala ng Paring Kura
Ano man sabihin ko sinusunod niya pag-daka
Sa tabi ng patio, may nakatambak na bato lumang asoteya
Kung ibig mong malinisan, papatayuan natin ng Groto
Sabi niya kung kaya mo ikaw ang bahala, gawin mo na
Kaya ako nagpasimulang usapin ang maga Hijas de Maria
nang aking balak, magpatayo ng Groto
Wala naming sumasalungat, lahat ay sang-ayon
Kailangan ng isang arketekto, gagawa ng plano
Bantog noon si Barcenas at eskultor Neglerio
Subalit ang mga ito, mga propesyonal eskultor-arketekto
Mahal ang kanilang bayad, sa dyaryo at honorario
Naghanap ako ng larawan ng Groto sa Lourdes
Sinikap kong puntahan mga simbahan may Groto ng Lourdes
Sa Naga, Iriga, Guinobatan, Quezon City hanggang Baguio City
Inisa-isa kong puntahan at ako ay gumawa ng plano
Sapagkat kailangan ng pera upang makagawa
Isang “Fund Raising” kailangan isimula
Naisipan kong isang Velada makapaghanda
Upang sa fiesta ng bayan ipakita sa madla
Upang maging magaan humanap ako ng kasama
Si Guinoong Jorge Barlin, mahilig sa musika at kanyang “Sabrina”
Isang melo-drama at komedya, kumuha ng mga artista
Sa bahay ni Tomas Guevara inihanda ang numero sa kaarawan
Dumating ang kapistahan ng Patron ng Baao
Maraming dumalo galing sa ibang bayan
Punong-puno ang liwasan na pag-bibeladahan
Kaya’t sa kahilingan ng marami, inulit sa kaarawan
Sa awa ng Diyos, ang “Fund Raising” naging matagumpay
Nabili ko kaagad ang kasangkapan sa Groto’y ilalagay
Mga semento, hollow blocks, kabilya at iba pang kailangan
Punto ng lumang asoteya aking pinalinisan
Nag-hanap ako ng isang panday-kantero
Marunong gumawa sa kahoy at semento
Sa awa ng Diyos nakatagpo din ako
Naging katulong siya nina Barcenas at Neglerio
Ang aking plano sa Groto ay susundin
Ako ang arketekto at artista paman din
Ang kantero na upahan ko ako ang susundin
Hindi ang sino paman dahil sa Mahal na Birhen
Sapagkat ang pera hindi magkakasya
Kailangan ng donasyon ng larawan ni Birhen Maria
Kaya’t si Guinoong Julian Barrameda pinakiusapan ko
Na kay Neglerio magpagawa ng Lourdes at Bernardita
Maganda ang larawan na gawa ni Guinoong Neglerio
Nang Birhen de Lourdes at Bernardita de cemento
Si Neglerio ang nagayos ng larawan, sa Groto itinayo
Gayon din si Bernardita nakaluhod sa malayo
Sa apat na kanto nitong “Asoteyang Groto”
Pinalagyan ko ng parola tigta-tatlong ilaw
May mga donantes din na mga Maestro at mga Maestra
Kaya’t ang Groto sa Baao, ay naku kay ganda
Wala akong panahon sabihin sa inyo lahat
Ang Groto ng Lourdes sa Baao, tunay na nakakagulat
Kung kayo may panahon sa kabikolan maglakad
Tumigil sa Baao, Groto ng Lourdes inyong mamalas
Apat at kalahati din ako sa Baao
Sa tabi ng Kura na mahirap na kasamahin
Sa Naga ako dinala, Coadjutor sa katedral
Kura si Mons. Penilla at Vicario Heneral.